"Ang Dula"
Ang dula ay isang kathang ang layunin ay maglarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at galaw, ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.
Ipinagiging kawili-wili ng isang dula ang pagtataglay ng paunlad na paglalahad ng mga pangyayari, ng suliranin, at ng pagliwanag ng suliranin. Ang tatlong mahahalagang kailangan ng isang dula ay ang panimula, ang tuluy-tuloy na paglalahad ng mga pangyayari, at ang wakas.
Tulad ng mga makabagong maikling kuwento, makasining ang paglalarawan ng dula ng pagkatao ng mga tauhan. Inilalarawan ng dula nang lalong mabisa ang pagkatao ng mga tauhan sa pamamagitan ng kanilang mga sinasabi at ikinikilos. At tulad din ng sa maikling kuwento, ang mga tauhan ay hindi kinakikitaan ng pagbabago kung wala rin lamang makatuwirang dahilan.
Nakatutulong nang malaki sa pagiging kapani-paniwala ng isang dula ang pananalita ng mga tauhan. Nagagawa ng dula ang ganito sa pagbabagay ng pananalita sa kalagayan ng tauhan at sa pagkakataon.
No comments:
Post a Comment