Pages

Ang Kuwentong-Bayan




"Ang Kuwentong-Bayan"

Noong unang panahon ang ating mga ninuno'y walang ibang napag-aaliwan, ang pagsasalaysay ng mga kuwentong-bayan ay mabisang pagpapalipas ng panahon. Ang maraming kawili-wiling mga kuwento ay malimit marinig kung may mga kasanayan at mga lamayang idinaraos. Sa mga bulwagan ng mga lakan at mga datu ay karaniwan na ang pagsasalaysay ng mga kuwentong nagpapasalin-salin sa mga labi ng kanilang mga ninuno. Ang mga paksa ay maaaring yaong nakapagpapatindig ng balahibong salaysay na may kinalaman sa mga nuno sa punso, sa mga asuwang at kapre, sa mga tikbalang at tiyanak at sirena; maari rin namang mga makasakit-tiyang kasuwanan ni Huang Batugan; o dili naman kaya'y mga romansang ginagampanan ng mga hari, prinsipe, prinsesa at mga dalagang anak-maralitang nagkakaroon ng magandang kapalaran. Gaya ng mga pabula, ang mga ito'y pawang hubad din sa katotohanan. Ang karamihan sa mga kuwentong-bayan ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng ating mga ninuno, kaya ang matatandang kuwentong ito'y hindi nagtataglay ng pangalan ng may akda, matangi ang ilang mga makabagong tulad ng kay G. Severino Reyes, (ang mga kuwento ni lola Basyang) at ilang mga kung di halaw sa matatandang kuwentong-bayan ay likha ng guniguni ng ilan nating manunulat na may kaunti pa ring malasakit sa sangay na ito ng panitikan. 

No comments:

Post a Comment