"Ang Balagtasan"
Hindi magiging kalabisang banggitin na ang salitang balagtasan ay kuha sa ngalan ni Balagtas, "ang Hari ng Tulang Tagalog." Ito ang makabagong anyo ng duplo na nagtatanghal ng isang paligsahan sa pagtula. Malaki ang ikinaiiba ng duplo sa balagtasan, sapagka't ang mga belyako at belyaka sa duplo ay nagsisibigkas nang karaka-raka, nguni't sa balagtasan ay sadyang handa ang nagsisipagtalo. Nagkakatulad ang dalawang ito sapagka't kapwa paligsahan sa pagtula. Ang balagtasan ay may maningning na luklukan sa kasaysayan ng tulang tagalog.
No comments:
Post a Comment