"Ang Sanaysay"
Ang sanaysay ay isang maikling komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
Sa panitikan ng daidig ay sumilang noong taong 1580 ang bagong akdang pampanitikan nang ilathala ni Montaigne ang dalawang aklat ng kaniyang Essais. Kay Montagne ipinaubaya ng marami ang karangalan sa pagkakapagbigay ng pangalan sa bagong akdang pampanitikang ito, gayundin sa pagkakapagbigay niya ng maliliwanag na halimbawa sa pamamagitan ng kaniyang mga akda. Ang mga iyon ay tinatawag na Bacon, ang manunulat na Pranses, ng Essay na ayon sa kaniyang palagay ay bago sa turing, nguni't buhat sa unang panahon.

Sa ating panitikan naman ang salitang sanaysay, na panumbas natin sa essay, ay likha ni Abadilla buhat sa kahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Ang sanay ay kinuha niya ng buo, at saka idinugtong niya ang say ng pagsasalaysay. Ang sangay ng ating panitikang ito "ay maaring nagsimula," ayon kay G. Abadilla, "sa mga panulat nina Marcelo H. del Pilar, Pascual Poblee, Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Julian Balmaceda, Iñigo Ed. Regalado, at iba pa."
Ayon sa kaanyuan, ang mga sanaysay ay maaaring uriin sa pormal, at di-pormal. Dahil sa ang una ay maingat at maayos na sinulat ng may-akda, nagtataglay ito na mabisang pagsasalaysay. Ang pagiging maingat ng may akda ay makikita sa pagkakapili ng mga salita at sa pagkakapag-ukol ng puspusang pagsasaalang-alang sa paksa. Ang di-pormal ay may himig pakikipag-usap. Ang malaking ikinaiiba nito sa una ay ang pagiging kawili-wili.
No comments:
Post a Comment