Ang Alamat
Ang alamat ay isang sangay ng panitikan. Ang mga pangyayari sa isang alamat ay maaaring maging totoo o likha lamang ng guniguni ng manunulat. Datapwa't ang pinakadiwa'y mga bagay na makasaysayan kaya't ang bawat alamat ay nagpapagunita ng mga lumipas na panahon.
Ang paksa ng alamat ay maaaring natuklasan ng manunulat sa malungkot na alaala ng isang lugar, sa mga pangyayaring nagpapakilala ng kagitingan at kabayanihan ng ating mga ninuno, at sa iba pang makasaysayang pangyayari.
Ang layunin ng isang alamat ay sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ng damdamin ng mga mambabasa, at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon. Dahil dito'y kailangang isaalang-alang ng sinumang sumulat ng alamat na iyo'y hindi dapat mauwi sa isang katha-katha o sa isang kaaraniwang kuwento lamang.
No comments:
Post a Comment