-Panitikan-
Ang panitikan ay tala ng karanasan ng tao. At ang karanasan ng tao any binubuo ng kaniyang mga iniisip at dinaramdam. Iyan ang dahil kung bakit ang panitikan ay lubhang nakakawiling pag-aralan.
Ang panitikan ay uri-uri, palibhasa'y uri-uri din naman ang mga iniisip at dinaramdam ng tao. Ang marangal na panitikan ay naglalaman ng mararangal na kapapayaman sa puso. Sa pag-aaral ng marangal na panitikan ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataong maitaas ang kaniyang sarili at mapalapit sa tunay na paraluman. Natututo siyang magtiis sa gitna ng mga kahirapan, umasa sa laot ng madlang pagkabigo, ngumiti sa harap ng mga kasaliwaang palad. Sa pagtunghay niya sa isang akdang natatatakan ng isang marangal na damdamin at nagtataglay ng isang marangal na kaisipan, siya'y hindi gumagapang sa lupa kundi nasasalalay sa mga pakpak ng isang angel at lumalanghap ng dalisay na hanging may isipan at damdamin na humuhubog sa katauhan at nagwisik ng kaluwalhatian.
No comments:
Post a Comment